No crisis, just quarter-life

Hello, 25. It me.

Akala ko magkakaroon ng parang cosmic transformation when someone turns 25. Wala lang. It feels like a ~big thing~. Mga kasal nga nagse-celebrate ng silver anniversary e, so parang hey! I’m still here! I’m a functioning, most-of-the-time decent human being! Yey me! Yey parents!

Wala naman masyadong ganap. Like internally (YES kayanin mo ‘yan, muntik ko na i-type from within).

Sa totoo lang, guys, wala naman na akong time mag-reflect. Between work and school, sobrang hectic grabe ‘ni hindi na ako makapag-emote sa bus! Natutulog na lang ako! Like last week, buti ginising ako nung kundoktor kung hindi Cubao ang bagsak ko. If you expect me to go back to LB that day and go to work, nagkakamali ka. Magmo-mall na lang ako.

BUT I still do have time for dramarama sa madaling araw. Kadiri yung feelings ko minsan. At least alam nating lahat na hindi pa naman ako nagiging full-blown halaman.

ANYWAY, it’s been a week since my 25th birthday hanash! I spent it at Jollibee with closest friends and family. The party is secretly called MAHAL NIYO NAMAN AKO DIBA: A TEST OF FRIENDSHIP.

Ito nga pala ‘yung mga pumasa:

We cute.

During the party, the hosts be like asking the guests kung anong mga wish nila sa akin as “fillers”. Guess what kung anong top answer.

YEP, THAT’S RIGHT. LOVE LIFE. Kumbaga sa Family Feud, “Nagtanong kami ng 100 kaibigan at kapamilya ni Belay. Ano ang birthday wish mo para sa kanya?” May variations naman though:

  1. Lovelife
  2. Boyfriend
  3. Jowa
  4. Atom Araullo ng buhay ko
  5. Clark Medina / James Reid ng buhay ko

Sabi pa nung best friend ko, “kung hindi ka pa ba naman nagkaroon, ewan ko nalang.”

Napepressure na ako. Sabi pa nung iba “Ilang taon ko nang wish sa’yo ‘to. Alam mo na ‘yan.” GUYS kahit ‘yung mga lola ko (kahit ‘yung lola kong strikta) ito ‘yung wish sakin. That’s gotta mean something right???

Tapos nung tatay ko na ang magsasabi ng birthday wish:

Be safe always. And sana matapos mo na ang master’s degree mo.

Tatay ko nga siya. Kumbaga sa statistics, isa siyang outlier.

Pero guys, keribelz lang naman that day coz I have an escort. Super sweet nga namin eh. Habang yakap-yakap ko si Jollibee binubulungan ko siya ng “Teka. Yakap kami nang yakap sa’yo, NILABHAN KA BA????”

Here’s me trying to figure out if James Reid is inside ~

Processed with VSCO with c1 preset
“JAMES???? IKAW BA YAN???”

From Jollibee to Jollibhie real quick.

~

Wala naman akong iba pang gustong sabihin. Other than, friends, I feel ya. Kung naiinip kayo sa aking impending buhay romansa, ok lang ‘yan patience is a talent. Thank you, though. For always listening to me rant whenever I have my episodes. Kasi diba, nakakatakot magmahal e tapos masasaktan ka lang din? Siguro, hinuhulma pa ‘yung tao na if ever saktan ako eh worth it naman. Saka ‘yung papasa sa standards niyo. Saka ‘yung tutulungan ako sa thesis ko. Saka ‘yung…

…ang dami palang requirements.

On a more serious note, HUGE THANK YOU to everyone who came and partied like it’s 1991! Haha! I know the traffic is super terrible and it’s no joke to be commute from Manila to Laguna, but you guys did it and made it ❤ Thank you also to the people who remembered (THANKS FACEBOOK), greeted, and still took the extra mile to look for James Reid images/gifs (no more JGL cos he’s married already)!

And also a huge huge thank you to the people who have been helping me with my master’s research (maisingit)!!! NYAHAHAHA hulog kayo ng lalalangit ❤

Ang wish ko, sana, next year iba na ‘yung wish niyo para sa akin. HAHLUHLUHLUHLUHHHH.

Love you guys like a JT song (mas mahaba eh — mga 8 minutes)!

Mwahugzzz ~

P.S. Party photos (c) Erwin Leyros! Cake is by my good friend Gel Salonga of ted’s! Cutie right?

Advertisements

2 thoughts on “No crisis, just quarter-life”

  1. […] Last year when I turned 25, I said that I thought there will be some sort of hanash within me. Something na kakatok sa ulo ko at sasabihing “Huy, 25 ka na. So anong plano?” I didn’t panic. I was okay. But, last night, hahaha nakakatawa kasi pareho kaming: […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s