ok lang?

gusto ko sanang mahalin ka.

ok lang?

alam ko, hindi ko naman kailangang magpaalam
hindi ko rin naman kailangan ng
permiso mo
kasi kahit ayaw mo,
gagawin ko

ok lang?

natatawa ka siguro
o natatangahan?
ako man
minsan talaga ‘no? kapag may
nararamdaman ka parang
ay, ano ba ‘yan
parang, puta, masakit yata
parang nakakadiri
parang ayoko
pero ano

nandito na eh

nandito na ako

ok lang?

masaya naman
siguro?
minsan kailangan lang din ng kaunting
tapang
o
pag-asa

parang sasabak ka lang sa exam
nang walang aral-aral, walang paghahanda
‘yung tipong pag bumagsak

patay

pero sana hindi mo naman
ako hayaang bumagsak
kung oo,
pwedeng dahan-dahan naman?

ok lang?

gusto ko sana
makumusta kita
nang hindi nag-iisip kung anong iniisip mo
bakit ako nangungmusta?

 

hindi ba pwedeng gusto ko lang?
hindi ba pwedeng
gusto lang talaga kita?

gusto ko sana
makausap ka
hanggang sa mawalan tayo ng pag-uusapan
hanggang sa umagahin tayo
o gabihin
hanggang sa mawalan tayo ng pakialam
sa mundo
sa iba

tayo lang

gusto ko sanang mahalin ka

gusto ko sanang mahalin mo rin ako

sana
sana lang naman

ok lang?

Advertisements

2 thoughts on “ok lang?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s