Grabe, 26!

I was chatting with my best friend last night when we realized that 1. We became friends when Meteor Garden came out in 2003 in the Philippines and now it’s being remade in a very bongga way (ayon sa chismis), which was what 14 freaking years ago 2. We were 12 at the time and 3) Wow mehn 26 na kami wait lang paano nangyari yun???

Kids, ito ‘yung F4 featuring a kalapati. I don’t like birds pero ang swerte nung kalapati.

Ang purpose nung unang paragraph ay mapagcompute ka at mapatunayan kong may angking talento din naman ako sa Math. Charot.

Last year when I turned 25, I said that I thought there will be some sort of hanash within me. Something na kakatok sa ulo ko at sasabihing “Huy, 25 ka na. So anong plano?” I didn’t panic. I was okay. But, last night, hahaha nakakatawa kasi pareho kaming:

Omg. 26 na tayo.

Ngayon kumatok yung kakatok sabi niya “Hello, ANUNEY???” Mas demanding si bes.

‘Yung totoo wala akong resolution sa mga hanash ko in life and I’ll navigate my way through ‘adulthood’ in the days/weeks/months/years to come but I do know that I am grateful for another +1 in my buhay. Work’s great (walang halong charot). School’s almost done (sana sipagin ako) (please) (please pray for my kasipagan it’s dying). Family’s still funny (yung nanay ko nagbubukas pa rin ng cabinet ko tapos tulog ako tapos gigisingin ako kung bagay ba sa kanya yung damit pag sinabi kong oo half asleep sasabihin nya Bakit?? I can’t haha). My friends are perfect and yung puso ko ayun ok naman hehe.

Madaming hanash lang minsan but there is nothing that a bucket of chickenjoy shared with loved ones can’t fix. Lalo na kapag puro thigh part. ❤

Salamat nga pala sa mga bumati. Wala nang nagwish ng jowa. Nakaramdam ba kayo? Charot.

Processed with VSCO with a6 preset
My birthday cake is as busilak as me

Ty Lord ty parents ty friends ty ppl 4 diz lyf!

Love you guys like a love song!

P.S. My best friend and I became friends because of Meteor Garden. Sabi ko sa kanya one day, “Nanonood ka ng Meteor Garden? Sinong favorite mo?” Sabi niya, “Si Lei.” And I was like, “Me too!!!” At some point yung nickname niya also transformed to Lei. Wala lang kwento lang.

P.P.S. Diyos ko nasa PS na ako ang dami ko pa ring nasabi.

P.P.P.S. Okay bye.

Advertisements

No crisis, just quarter-life

Hello, 25. It me.

Akala ko magkakaroon ng parang cosmic transformation when someone turns 25. Wala lang. It feels like a ~big thing~. Mga kasal nga nagse-celebrate ng silver anniversary e, so parang hey! I’m still here! I’m a functioning, most-of-the-time decent human being! Yey me! Yey parents!

Wala naman masyadong ganap. Like internally (YES kayanin mo ‘yan, muntik ko na i-type from within).

Sa totoo lang, guys, wala naman na akong time mag-reflect. Between work and school, sobrang hectic grabe ‘ni hindi na ako makapag-emote sa bus! Natutulog na lang ako! Like last week, buti ginising ako nung kundoktor kung hindi Cubao ang bagsak ko. If you expect me to go back to LB that day and go to work, nagkakamali ka. Magmo-mall na lang ako.

BUT I still do have time for dramarama sa madaling araw. Kadiri yung feelings ko minsan. At least alam nating lahat na hindi pa naman ako nagiging full-blown halaman.

ANYWAY, it’s been a week since my 25th birthday hanash! I spent it at Jollibee with closest friends and family. The party is secretly called MAHAL NIYO NAMAN AKO DIBA: A TEST OF FRIENDSHIP.

Continue reading “No crisis, just quarter-life”

Expectations vs. Reality: Internet Acronyms Edition

Hi, guys!

Happy belated balentayms and HAPPY 4TH BIRTHDAY TO MY BLOG! *confetti* Can’t believe I’ve sustained this for 4 years tapos kung anu-ano lang pinagsasasabi ko. Thanks for reading and visiting, btw!

I’ve been blogging since 2003 and whilst I’m no professional, I’ve tried almost all platforms. I’ve updated things simultaneously (as if I have something relevant to say…) and gained friends along the way. Shoutout to mah homiez~

The evolution of my blogging style also came with the evolution of Internet language overall (segue!!). Parang pokemon lang and as an early pokemon, as much as I hate to admit it, I was a jejemon once.

Yes. Evident ito sa una kong blog sa Xanga.com (may Xanga pa ba!!??) back in 2003. I used to hate my name (I’ve grown to love it cos it’s so pretty and lovely~) kaya gusto ko talaga syang palamutihan ng kung anu-anong anek like numbers, symbols, and adjectives. Ayoko nang balikan ang nakaraan but let’s just say my first blog username looked more like a a very strong password than a user-friendly URL.

“The longer, the better” ang motto ng jeje era. The more Hs, Zs, numbers, and punctuation marks, the better. Kung kaya mo pang humanap ng alternative for letters para mas nakakalito, winner ka. But times have changed. Hanggang sa naglaho na sila dahil ikinahiya na nila ang kanilang sinimulan. I’m sure may mga jeje pa rin pero underground na sila mag-operate.

youvegotmail

Continue reading “Expectations vs. Reality: Internet Acronyms Edition”

24!

Yesterday was the “ulan ng meme ni Joseph Gordon-Levitt” day also known as my (24th) birthday! Yes, it is MY year as in year of the Sheep/Goat/Ram whatever. Napaghahalataan na I follow these things. It doesn’t hurt, you know. BUT the predictions did hurt because sabi daw ng mga bituin, malas daw ang mga Sheep people sa pera, karera, at pag-ibig.

SO GANON ALL OF THE ABOVE??? Uminit ulo ko, guys. Pero gaya nga ng sabi ni madam Zenaida Seva, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran, gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” So far, tama siya don sa lovelife part. SO FAR. April pa lang. Maghunos dili ka.

Continue reading “24!”

1-2-3, 1-2-3

DRINK! Coffee and blogging: Happy 3rd birthday, blog!Join me (haha wow join me talaga ayokong mag-isa guys e nakakapagod na!) in greeting my blog a very happy 3rd birthday! My blog is a pre-schooler na guys. Ako lang yata ang gagang nagse-celebrate ng blog birthday? Kebs. I love it.

Continue reading “1-2-3, 1-2-3”