Kung ikaw ay isang panaginip ver. 01

Hi guys!

Before anything else, please join me in greeting my blog a HAPPY 5TH BIRTHDAY!!! Sabi nga ni Basha, “I already gave you 5 years of my life [Poy]. It’s about time you give me what I want.” BUT unlike them, me and this blog of mine ain’t going to break up! Sana!

To celebrate, I’m going to make kwento about something very very personal–my deepest, darkest, lambuchingi weird dreams. After reading you can pyschoanalyze me and conclude that a) I am an overthinker, b) I have an super hyped subconscious and c) I think about boys maybe a little bit too much. CHAROT!

I am one of those ~gifted~ people (yes #blesst) na naalala ang kanilang mga dreams. Hindi naman sa pagyayabang pero yung subconscious ko sobrang OA sa ganap. Bukod sa nakakapagod yung mga panaginip ko, Hollywood levels din siya.

I know what you’re thinking. Sobra naman yata ang colonial mentality ko at pati sa panaginip damay? HOLD UP. Nakapanaginip na rin ako ng Pinoy celebs. Off the top of my head, napanaginipan ko dati si Gerald Anderson tapos naglalambuchingan daw kami malapit sa isang fountain. We’re slow dancing tapos dumating daw si Kim Chiu. Selos na selos si ateng. Balingkinitan kasi talaga ako eh.

Tapos one time napanaginipan ko si Paulo Avelino (please watch I’m Drunk, I Love You.!), ki-kiss nya daw ako tapos nung malapit na yung mga ~lips~ namin sa each other, syempre nagising ako. I really can’t have nice things.

Si Enrique Gil napanaginipan ko na din. Ang sweet nya daw sakin. Ang totoong panaginip dito ay AKO BA SI LIZA SOBERANO???

Hindi naman nagkakalayo. Charot!!!

Anyway, I’ll spare you the lambuchingan stories and share the wholesome and weirdest ones. Abridged versions only!

Continue reading “Kung ikaw ay isang panaginip ver. 01”

Is this love, momshie?

Dahil #ChangeHasCome try ko naman magsulat ng mga positive kemerut tungkol sa love.

Guys unang sentence palang ako feeling ko naduduwal na ako (WOW) (HINDI HO AKO BUNTIS) (WALA HONG BUBUNTIS). Joke lang. Last week, may nakausap akong friend na sobrang positibo ang pananaw tungkol sa pag-ibig. Siguro lahat ng sinabi naming masarap (mapa-pagkain o kung ano hehe) ang consistent niyang sagot ay:

Mas masarap pa ring magmahal.

And I was like: GET OUTTA HERE.

Syempre joke lang, english ‘yan eh! ‘Yung totoo kong sagot ay “HEH TIGILAN MO AKO.” Sobrang cynical ko na sa love so how do I give justice to this supposedly happy post?

As a JaDine fan, inabangan ko kagabi ang premiere ng ‘Til I Met You. Minsan talaga feeling ko sinasabi sakin ni Lord, ok lang na olats ako sa buhay pag-ibig binalik naman nya si James Reid sa Primetime. Haha. But James can only do so much 😦 CHARARAT. Anyway, ang unang mga linya sa pilot episode ay mga sagot sa katanungang “Paano mo nga ba malalaman kung in love ka na?” O kung siya na ba ang taong para sa’yo?

Cheesy pero wala kayong pake. I live for this hanash.

Wala akong tips dito o kung ano. Hindi rin ako nakapagsurvey sa isang daang tao para masagot ang katanungang ito kaya wala akong empirical evidence to back up my claims (WOW). Actually, sa tagal ko nang hindi na-in love hindi ko alam kung applicable pa rin ‘to HAHA SO ANO PA NGA BANG PINAGSASABI KO SINASAYANG KO LANG BA ORAS MO??

Nakaabot ka na dito so papanindigan ko na.

Here are some telltale signs na sure, plangak, truly lee – in love ka na momshie.

Continue reading “Is this love, momshie?”