Grabe, 26!

I was chatting with my best friend last night when we realized that 1. We became friends when Meteor Garden came out in 2003 in the Philippines and now it’s being remade in a very bongga way (ayon sa chismis), which was what 14 freaking years ago 2. We were 12 at the time and 3) Wow mehn 26 na kami wait lang paano nangyari yun???

Kids, ito ‘yung F4 featuring a kalapati. I don’t like birds pero ang swerte nung kalapati.

Ang purpose nung unang paragraph ay mapagcompute ka at mapatunayan kong may angking talento din naman ako sa Math. Charot.

Last year when I turned 25, I said that I thought there will be some sort of hanash within me. Something na kakatok sa ulo ko at sasabihing “Huy, 25 ka na. So anong plano?” I didn’t panic. I was okay. But, last night, hahaha nakakatawa kasi pareho kaming:

Omg. 26 na tayo.

Ngayon kumatok yung kakatok sabi niya “Hello, ANUNEY???” Mas demanding si bes.

‘Yung totoo wala akong resolution sa mga hanash ko in life and I’ll navigate my way through ‘adulthood’ in the days/weeks/months/years to come but I do know that I am grateful for another +1 in my buhay. Work’s great (walang halong charot). School’s almost done (sana sipagin ako) (please) (please pray for my kasipagan it’s dying). Family’s still funny (yung nanay ko nagbubukas pa rin ng cabinet ko tapos tulog ako tapos gigisingin ako kung bagay ba sa kanya yung damit pag sinabi kong oo half asleep sasabihin nya Bakit?? I can’t haha). My friends are perfect and yung puso ko ayun ok naman hehe.

Madaming hanash lang minsan but there is nothing that a bucket of chickenjoy shared with loved ones can’t fix. Lalo na kapag puro thigh part. ❤

Salamat nga pala sa mga bumati. Wala nang nagwish ng jowa. Nakaramdam ba kayo? Charot.

Processed with VSCO with a6 preset
My birthday cake is as busilak as me

Ty Lord ty parents ty friends ty ppl 4 diz lyf!

Love you guys like a love song!

P.S. My best friend and I became friends because of Meteor Garden. Sabi ko sa kanya one day, “Nanonood ka ng Meteor Garden? Sinong favorite mo?” Sabi niya, “Si Lei.” And I was like, “Me too!!!” At some point yung nickname niya also transformed to Lei. Wala lang kwento lang.

P.P.S. Diyos ko nasa PS na ako ang dami ko pa ring nasabi.

P.P.P.S. Okay bye.

Advertisements