Lessons from Carson: Hope moderately, love fully

Disclaimer: Not a movie review. I’m just a girl feeling feelings who also believes that this film should be watched by many.

Warning: Might contain spoilers!

Hi, guys!

Have you watched I’m Drunk, I Love You. na? Kung hindi pa, you better hurry because some cinemas are already pulling it out (after a week palang!!!) because of idk some shitty system. You can’t really blame it on the lack of demand kasi dine-demand nga siya eh?

Bago ang emote, I want to commend Waltermart Calamba dahil nakikinig sila sa boses ng sambayanan char. When I called them to check kung showing sa kanila ang IDILY, grabe yung energy na sumambat sa akin:

Ate: HELLO WALTERMART CALAMBA HAPPY MORNING PO!!!!!!!!!!!!!!!!
Me: Ah eh. I’m Drunk, I Love You. Hello! Palabas po?

NATARANTA AKO BAKS. Si ate parang tumungga ng Milo. Yung energy niya, yun na yung energy ko for the whole work day. Hindi ko kaya.

Ang ending, wrong number ako kasi sa supermarket siya.

BACK TO REGULAR PROGRAMMING. I’m Drunk, I Love You. is about two (best) friends who went on a road trip (with my favorite Jason Ty) days before graduation. The movie isn’t about heartbreak, or your usual ‘friendzone’ tales.

It’s about real undisclosed feelings and settling the what ifs. In short, closure.

BIGLANG SERYOSO KO BA KASI NAMAN EH????

As I said, I’m just a girl feeling feelings but here’s my short review:

depensa-ng-mga-umasa-nagpakatanga-pero-nagmahal-pa-rin
Hindi ako ok ok lang ako hindi ako ok ok lang ako

Guys, eto ha. Dahil friends naman tayong lahat dito. Wala akong baong listahan ng advice o tips kasi nanood ako ng akala ko wa epek sakin kasi 1. May bias ako against best friend-to-jowa hanash may negative experience ako dyan wow may pinagdaanan and 2. Ang busy ko akala ko wala na rin akong time to feel?? Wow?? Tapos meron pa pala shet (ty direk JP for making me realize that I am not yet a full-blown halaman there are still human parts left inside of me).

May dalawa akong natutunan kay Carson. Hindi siya groundbreaking pero wow tapang mo, girl. Sorry, Dio pogi ka pero hindi muna ikaw ang focus ko.

idily-dio
Photo: I’m Drunk, I Love You. / TBA Studios youtube

Wow pero usap tayo mamaya. Charot. NO STOP WAG MO AKONG TINGNAN NANG GANYAN!!!!!

Lesson from Carson #1: Hope moderately

Oo, tama ang nabasa mo. Kay Carson, natutunan kong ok lang umasa. Hope is still a good thing, contrary to popular belief. Diba kapag sinabihan ka ng “uy umasa!” parang ay nakaka-offend? Bakit don sa Star Wars: Rogue One yung ‘hope’ parang regalo? Because it is. Si Carson pinalaki niya yung hope. Pitong taon. Pwede na niya yun i-enroll sa grade 1.

Hope moderately. Moderate kasi alam naman nating kapag sumobra, tegi boom boom tayo diyan. Tingin ko kasi may fine line between hope and expectation eh. Yung hope, optimistic. Uy shet baka meron? Sana meron! Pero at the same time, ine-entertain mo yung posibilidad ng dark side of the Force.

Kung hindi, huhubels. Kung oo, eh di yehey.

Pero sana oo. Sana meron. Sana gusto rin ako. Pwedeng hindi pero habang hindi pa natin alam, dito tayo sa posibilidad ng oo.

Lesson from Carson #2: Love Fully

Tanda niyo ba ‘yung scene na nag-iinom si Jason Ty at Carson ng Happy Horse (for the happy wh*re) tapos nag-shots game sila? Kailangang makapag-cite si Carson ng katangahan niya over Dio since 2008. In just three seconds.

Pagdating sa 2013, ang sagot na ni Carson ay: “Mahal ko pa rin siya. Limang taon na.”

Napag-isip-isip ko lang, hindi naman siya tanga. Kailan ba nauso ‘yung kapag nagmahal ka ng isang tao na hindi ka naman sure kung mahal ka rin niya pabalik, katangahan agad? Hindi naman siya ginagago ni Dio. Choice naman niyang gawin lahat yon. Out of love. Yes, out of love. Love. Mali ba ‘yun baks? Mahina na ba kung nagmahal ka? Halika dito, paramdam ko sa’yo kung gaano kita kamahal. Tatakbo ka ba palayo?

Kung ako magmamahal ulit, I’m gonna All The Love In The World the shit out of that person.

Ang tapang ni Carson. Sumabak siya sa laban kahit di siya sigurado kung mananalo siya. Pero in the end, she won. Because she loved.

Hindi lang si Dio ang minahal ni Carson. Pati na rin ang sarili niya. Kasi alam niya kung kailan siya titigil. Alam niya kung ano ang deserve niya. Because let’s be honest here, ang daling bumigay (just being real sorry pero pag may alak may balak tapos omg wow equals karupukan na to bes). ETO NA IT’S HAPPENING. Pero ayaw natin ng awa, baks. Mahal kita, kung hindi mo ako mahal eh di ok. Pero wag mo akong kaawaan.

Carson loved herself enough to know that this is not how she wants to be loved back. 

Ang empowering.


Hope moderately and love fully.

Ang ganda na sa dulo, walang mga tanong. Walang panunumbat. Walang bakit hindi ako? Walang pagsigaw ng “BAKEEEEET??” nang nakaluhod with hands full of lupa-turned-semi putik kasi umuulan for dramatic effect. Wala ring walling na naganap. Walang drama.

Sa dulo, walang bakit. Ang meron lang ay pagtanggap. Masakit pero tanggap ko. Naiintindihan ko.

Ang daling maging outsider sa unrequited love. Ang daling sabihing, woo ang tanga naman nito. Pitong taon e mukha namang walang HD sayo yung tao. Bakit mo pinatagal? Madaling sabihin kasi hindi naman ikaw yon eh. Hindi ikaw yung nagmamahal don sa taong yon. 

Hindi ikaw ako. Hindi ikaw sila.

idily-carson
Photo: I’m Drunk, I Love You. / TBA Studios youtube

Sa dulo ng lahat, sa kung ano lang ang pinahintulutan sa ating mapanood nila Carson at Dio, walang mga tanong. Hindi na yun kailangan. Pwede na yung isang ngiti. Isang tawa. Isang “ano yon?” Tawa ulit. Ngiti ulit. Tapos, tapos na. Hindi ako galit. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Hindi mo kasalanang hindi mo ako mahal at hindi mo rin kasalanang mahal kita.

Umasa ako at nagmahal ako nang matagal. At oo, sa pagkakataong ito, graduate na ako. Pero mahal kita.

Mamahalin pa rin kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s