It’s just a little crush promise!

Hi guys!!!

Kumusta? Wow tatlong buwan pala akong walang paramdam. Sabi nga ni Jessy Mendiola: WHAT AM I TO SAY TO THAT? Sorry daming ganap! Bukod sa maraming trabaho, an already finished semester (YAAAASSSSS), a thesis and comprehensive exams on the way (next sem!!), and itong mga kadiring nangyayari sa Pilipinas, wala namang bago other than…

I bought office plants.

and…

I have a crush.

#WOW #SHOOKT

Omg. Yuck wow high school??? Teenager???

Guys wala palang pinipiling edad o sitwasyon ‘yung crush phase. Akala ko tapos na ako don. May iba naman along the way na “uy cutieeee” or “uy bet!!!” or “uy sana single” pero ito wala lang crush ko lang talaga siya.

Medyo kadiri na nga eh. Banggitin mo lang pangalan nung mokong (yesss uyyy playing it cool kunyari wala lang) na yun, mapapangiti na si gaga (me). I try to play it cool pero alam mo yung whenever I feel his presence (WOW) nagfi-freak out ako inside. One time sabi ko sa mga kaibigan ko:

OMG ANDYAN NA SIYA MAG-USAP LANG TAYO SHET HAY ANG CUTE NIYA TALAGA HUHU OK WAG KAYONG TITINGIN BAKA MAHALATA WAAAAAA!

Diyos ko lord parang akong tinurukan. Binulong ko lahat yan whilst maintaining a normal, happy-looking smile pero dilat ang mata.

To answer your question: Single naman yata.

To answer your other question: HINDI SIYA MARCOS APOLOGIST. Hehe.

To answer your other other question: Siyempre hindi ko sasabihin kung sino.

Disappointed na nga mga kaibigan ko cos I’m really off my game. Or talagang willing lang akong tumingin from afar… CHAR ARTE KO.

Dahil holiday today, napag-tripan kong mag-google about crushes. Kasi na-pressure na akong magsulat ulit dito so parang pinilit ko nalang din sarili kong mag-isip ng topic kaso wala eh nanaig ang feelings~

In fairness sa unang-una sa FAQs ha. People ask:

screen-shot-2016-11-30-at-2-57-16-pm
Gaano po ito katotoo mga ka-DDS?

Mag-apat na buwan ko na siyang crush pero parang di pa ‘to applicable sa akin. Bilis naman bezzy. Sabi nga ni madam Carly, it’s way too soon I know this isn’t love. OA????

ANYWAY, diba sabi ko rin I bought new plants?

15003181_10153862706955563_230663039806892420_o
Cuties

I first bought the right one that I named after my crush. Namatayan na kasi ako ng ganyan dati as in napabayaan ko tapos naging lupa siya 😦 Naging pampataba literally. So, pinangalanan ko after kay ano para maalagaan ko wow. Tapos, parang ay wow ang lungkot niya so I bought the left one para sumaya siya.

And that other plant represents me. Hahahahaha baliw. #halamankanalangbaomagigingkatotohananpa

Anyway yun lang nagkwento lang ako!!! Sorry wala akong tips kasi ako mismo litong-lito na sa mga paandar ko sa lyf. I’m really off my game and I think my n years of being single threw me off hahaha. As in no joke naging shy ako. Baka kayo ang may payo sa akin? Baka lang! Feel free to share!

Bye! Sa mga magjo-join sa rally today please stay safe and let your voices be heard!!! I’ll be here in the probinsya sorry guys I need to recuperate muna wow recuperate.

To my crush, if ever mapadpad ka dito at maramdaman mong ikaw ‘to, try mo kayang mag-message naman.

Mwahugggzzz! Luv u guys like a love song!

Advertisements

5 thoughts on “It’s just a little crush promise!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s