Is this love, momshie?

Dahil #ChangeHasCome try ko naman magsulat ng mga positive kemerut tungkol sa love.

Guys unang sentence palang ako feeling ko naduduwal na ako (WOW) (HINDI HO AKO BUNTIS) (WALA HONG BUBUNTIS). Joke lang. Last week, may nakausap akong friend na sobrang positibo ang pananaw tungkol sa pag-ibig. Siguro lahat ng sinabi naming masarap (mapa-pagkain o kung ano hehe) ang consistent niyang sagot ay:

Mas masarap pa ring magmahal.

And I was like: GET OUTTA HERE.

Syempre joke lang, english ‘yan eh! ‘Yung totoo kong sagot ay “HEH TIGILAN MO AKO.” Sobrang cynical ko na sa love so how do I give justice to this supposedly happy post?

As a JaDine fan, inabangan ko kagabi ang premiere ng ‘Til I Met You. Minsan talaga feeling ko sinasabi sakin ni Lord, ok lang na olats ako sa buhay pag-ibig binalik naman nya si James Reid sa Primetime. Haha. But James can only do so much 😦 CHARARAT. Anyway, ang unang mga linya sa pilot episode ay mga sagot sa katanungang “Paano mo nga ba malalaman kung in love ka na?” O kung siya na ba ang taong para sa’yo?

Cheesy pero wala kayong pake. I live for this hanash.

Wala akong tips dito o kung ano. Hindi rin ako nakapagsurvey sa isang daang tao para masagot ang katanungang ito kaya wala akong empirical evidence to back up my claims (WOW). Actually, sa tagal ko nang hindi na-in love hindi ko alam kung applicable pa rin ‘to HAHA SO ANO PA NGA BANG PINAGSASABI KO SINASAYANG KO LANG BA ORAS MO??

Nakaabot ka na dito so papanindigan ko na.

Here are some telltale signs na sure, plangak, truly lee – in love ka na momshie.

1. Kapag nag-share ka ng chickenjoy

Generous akong tao pero kung chuchuklitin mo ‘yung balat ng chickenjoy ko, magkakamatayan talaga tayo. Lalo na ‘yung breast part na kaunti ang balat tapos puro laman. Lalo na ‘yung leg part na maliit o ‘yung pakpak na kailangan mo pang sipsipin.

In short, agawin mo na ang lahat sa akin. Wag lang ‘to. I really fucking love my chickenjoy.

Anyway, ang point ko lang ay kapag gusto mo nang i-share sa taong ‘yon ‘yung isang bagay na pinakamamahal mo sa mundo, eh teh. Nagmamahal ka na. Congrats!

HOW DEEP IS YOUR LOVE, MOMSHIE SCORE:

  • 10/10 kapag laman lang
  • 1,000,000,000,000,000/10 kung inoffer mo ang balat or yung puwet ng thigh part
  • 100,00,000,000,000,032,181/10 kung buong chickenjoy kasamang isang subo ng jolly spaghetti kasi hindi ka na makakain sa kilig.

2. Kapag may naiisip kang isang tao whenever you hear a happy Carly Rae Jepsen song

O kahit sinong artist gusto ko lang si Carly cos she’s my Q U E E N and E•MO•TION Side B (and A!!!) is a thing of magic and beauty.

Nung pinakinggan ko ‘yung Higher, wala na. Sabi ko: IT ME.

You take me higher than the rest
Oh, everybody else is second best
You pulled a gem out of the mess
I was so cynical before, I must confess

Sabi nga ng nanay ko: ARUUUUUUUUUUUUU!!!!!

HOW DEEP IS YOUR LOVE, MOMSHIE SCORE: Depende sa kanta. Haha walang naitulong. Pero para sa akin, ang 10/10 ay ‘yung Favourite Colour (nag-aalangan ka pa pero gurl hulog ka na) saka ‘tong Higher. Saka pala ‘yung All That (#IWillBeYourFriend pero may hidden agenda kang #IWannaBeTheBestYouveEverKnown #competitive).

3. Kapag mag-isa ka lang, naalala mo siya, at napapangiti ka na parang timang

Kahit ‘yung mabanggit lang ‘yung pangalan niya ng kung sino instant banat ang fez ni momshie. Ay, masaya siya. Ay, hindi mapigilan ‘yung ngiti. Ayan na… ayan na… AYIIIIIIEEEEEEEEEEE!!!! Charot.

Wala akong masyadong explanation alam niyo na ‘yan.

CnZE_7RVIAASHr3
It me trying my best

HOW DEEP IS YOUR LOVE, MOMSHIE SCORE: 4/10 (makakaahon ka pa — SAVE YOURSELF!!! HAHA JOKE)

4. Kapag hindi ka na takot.

Years ago, may taong nagsabi sakin “If you’ll be brave, I’ll be brave.” Hindi siya sa kontekstong pag-ibig pero nagandahan ako.

Kasi ‘yung seryosong usapan, nakakatakot magmahal. I mean, dati mas matapang ako kasi ewan??? Di pa ako traumatized charot (WHO HURT U??). Parang kada pag nasasaktan ka, mas nagiging maingat ka. Pero minsan dahil maingat ka, you don’t open yourself to the risk. Of getting hurt. Of falling in love.

A wuw seryoso bigla si momshie??!! Ano ba ‘yung sabi nila… guard your heart pero don’t be jaded eme eme? Maganda ‘yung quote di ko lang maalala haha.

Pero diba, feeling ko ako alam kong nagmamahal na ulit ako kapag handa na ulit akong sumugal. Na okay lang masaktan ako. Kasi minsan… Ewan. Worth it naman.

Sana.

HOW DEEP IS YOUR LOVE, MOMSHIE SCORE: 11,111,334,522/10

5. Kapag may tao ka nang paghahandugan ng awiting “Umaapaw” ng Ang Bandang Shirley

Eto sobrang specific. Hindi pwedeng ibang kanta.

Buo ang loob ko sa iyo
Ganito ako kasigurado

Mga momshie kailan kaya ako magiging sigurado ulit??!!

HOW DEEP IS YOUR LOVE, MOMSHIE SCORE: 55,555,555,555,555/10 (kapag tinanong ka ni Kris Aquino ng “Sure ka na ba?” with conviction ang sagot mo ay “SURE NA! *taas kamao*”

krisaquinogknb
For your reference, kids.

6. Kapag… iniisip mo siya habang binabasa mo ‘to ‘no????

Katulad nga ng reaction ko kapag kinikilig ako sa LizQuen pero pinipigilan ko kasi nasa bus ako nakakahiya namang tumili:

HAHLUHLUHLUHLUHLUH (nang very very quiet)

HOW DEEP IS YOUR LOVE, MOMSHIE SCORE: WALA NA NASIRA NA ‘YUNG METER

~

Madami namang signs. Saka minsan naman alam mo na sa sarili mo kaso, in denial ka. Isn’t love supposed to be a gift? Bakit mo kailangang i-deny?

Ako ha, personally, ‘yung sakit ko hindi ko inaamin kapag masaya ako. Kasi feeling ko mababalis. Hindi ko naman pwedeng lawayan ‘yung happiness ko haha. ‘Yung ganon? Kasi alam niyo ‘yung sobrang shit minsan ng universe? Hehehe.

May mga nakakausap akong alam mong in love pero hindi umaamin eh. Bakit? Kasi kapag umamin sila, parang mas nagiging totoo. At kapag ganon, open ka na sa lahat ng vulnerabilities. Minsan kasi dumadating nalang yan diba? Sabi nga nila, you’ll just know.

Oo nga naman. You’ll just know. Alam mo ‘yan kapag handa ka na. Alam mo ‘yan kapag kaya mo na tanggapin parehong maganda at pangit na pwedeng idulot ng papasukin mo.

Kapag matapang ka na ulit, you’ll just know.

At kapag nangyari ‘yon, sabi nga ng Shirley:

‘Wag pigilin ang damdamin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s