#MOMOL: Move on move on lang

Kala mo ha.

PAUNAWA: Walang hayop, tao, o kahit anong nilalang na nasaktan sa paggawa ng post na ito. Ako lang.

Thanks to my best friend Carla for this MOMOL meaning. She once posted an ~emotional~ Facebook status and ended it with #MOMOL. Que horror. Anyway…

Heartbreaks are the ffffng worst. Don’t you agree? I wouldn’t wish it on my worst enemy. Kasi diba guys, ang hirap masaktan.

Bakit po ba may pain?

I grew up watching Jolina-Marvin (haha fan #ButNotSuper pero sige #Super talaga!) films at kahit na may heartbreak, they always end up together. Sila Angelu-Bobby, Donna-Jason Everly, kahit na may conflict sa gitna happy ending lahat. Anak ng. #LIES. All #LIES.

Hindi rin ito kasing dali ng Eternal Sunshine of the Spotless Mind na pwede mo na lang burahin sa memorya mo ang isang tao.

Eternal Sunshine of the Spotless Mind procedure (Jim Carrey as Joel Barish)

Hay. Life would’ve been so much easier.

Some people in our lives are just meant to pass through pero the pain is still the same, right? And in the moment, we cling to hope na baka shet baka siya na talaga kasi the vicious cycle of heartbreak (and disappointment) is exhausting na rin. In other words, nakakapagod nang umibig tapos mag-iinvest ka ng oras tapos masasaktan ka din lang. Ano pang point.

Mas madali pa yatang maging halaman.

Kung nagmahal ka, lumigaya, nastress, nasaktan, gumulong ka na sa sahig, nag-walling, kumain na ng sandamakmak na siomai at chickenjoy, um what to do next?

MOMOL. Move on move on lang.

Paano mo masasabing dapat ka nang mag-move on? Napag-usapan namin ‘yan kagabi ni Kelly. Sabi ko sa kanya, alam ko kapag ready na ako to move on kapag sa bawat kanta, masaya man o malungkot, hindi na siya ang naiisip ko. Itinatapon ko na lang lahat sa hangin. Sa universe. Sa aking non-existent repository of feelings. Wala na akong “you” o “him”– in general na lang. This is just me. Yung iba kasi, they just snap out of it. Sana ganun din ako kaso matigas ulo ko eh. Nyahahaha~ Sorry, puso.

Now, how do you move on with ease? Walang magic formula pero marami kang pwedeng gawin. There’s no best way but it depends on the level of pain/heartbreak, budget, and your daily activities. Here are some suggestions:

(Dapat ito ang itinuro satin nung elementary orhigh school eh. K-12, isama niyo ‘to sa curriculum. Pls consider.)

1. Magmaganda / papogi ka.

Nasaktan ka nga, maganda/gwapo ka naman.

Pag mas nasaktan ka, dapat mas maganda ka. This is what my BF Sosep calls “pain glow”. Yung tipong kapag sinabihan kang “Ang blooming mo!” ang isasagot mo na lang ay “Well. Partida pa ‘yan.” *wink*

Di naman masyadong kailangan ng budget pero it depends. Para makamura, sabihin na lang natin na it’s the inner beauty that counts. Let it shine~

ProTip: Sabi ng officemate ko, magdamit daw na nakakaseduce. Di naman yung bastusin. Basta seductive.

Me: Ha? Seductive? Ano bang point nito.
Officemate: Pang-asar.

May point.

2. Dance/listen to Carly Rae~

Guys nakita niyo ba effects ng lights. Parang may dumating na sugo. At ang sugong ‘yon, ay si Carly Rae. YES TONIGHT I’M GETTING OVER U~

Kesa magmukmok ka dyan sa sulok, hala e sayaw na lang tayo! The thing about Carly Rae songs is, I don’t know. Hindi siya magmumukmok ka level. It’s more of I’m gonna celebrate this fffffng heartbreak and I’m gonna dance til I’m worn out and won’t feel anything anymore.

Officemate: AYOKO NITO!
Me: Bakit?
Officemate: Kasi tonight! Tonight pa! Gusto ko ngayon na.
Me: ATAT!!!!???

3. Magbakasyon ka.

Walang tubig. Walang pagkain. Eh ‘di magsayaw na lang tayo.

Depende sa budget mo ‘to ha. Pwedeng Sagada ala Mace pero alalahanin mo na hindi lahat ng heartbroken at pumupunta ng kabundukan ay magkakaroon ng Anthony. At hindi lahat ng Anthony ay kasing gwapo ni JM de Guzman.

Hanggat maaari din, lumayo-layo ka sa mga lugar na di pa nya natatouch. Pwedeng solo pero ingat ka kasi di mo naman tatay si Liam Neeson. Pwede ring with friends para fun! Anyway, bahala ka na sa trip mo sa buhay. Basta ang mahalaga, malayo ka na in spatial terms. Yung emotional terms, bahala ka na rin.

Parang wala yata akong naitutulong.

4. I-feel mo lahat hanggang masuya ka.

AYOKO NAAAAAAAAAAAAA huhu

This is proven effective for me. Minsan dinadamay ko na mga kaibigan ko para masuya kaming lahat sa heartbreak ko. Hehehe. In all seriousness, I think suppressing the feelings won’t help. The “hindi ako iiyak” just to prove that you’re strong doesn’t cut it. Umiyak ka kung gusto mong umiyak. Magalit ka kung gusto mong magalit. Murahin mo kung gusto mong murahin – kahit hangin lang ang tatamaan.

Gawin mo hanggang sa mapagod ka. Hanggang sa magsawa ka.

ProTip: Wag mo na gayahin si Mace na aakyat ka pa ng Sagada kasi balita ko wala ng space for new messages don. Dami na ring sumisigaw, masasapawan ka pa. Saka halerr, nakakahiya din sa mga nakatira don ano.

5. Wag kang tambay.

Sa Facebook profile niya, that is.

Sabi nga ni Kate (dami kong friends, guys): “In-unfollow mo nga, tinurn off mo nga ang notifications mo pagdating sakanya, pero tambay ka naman don sa profile nya!”

Tigilan mo na ‘yan at mas madaming makabuluhang pwedeng gawin kesa sa mag-search at mang-stalk. Hindi ka sasaya kung titig ka lang sa last niyang update. The earlier you do this, the better. Deactivate if you have to.

Kesa mang-stalk, magbabasa-basa ka nalang tungkol sa Sustainable Development Goals.

6. Find a strong support system.

Ang pinakang silver lining ng lahat ng heartbreaks ko is knowing that I have people – loving friends – who don’t judge, who are always there to listen/read my katangahans in life, give unsolicited and smart advice, at higit sa lahat, friends who believe that I can get through anything, who has belief in me when I don’t have the strength to believe in myself. Can I get an acheche??!!! ACHECHE!

Also, if you haven’t noticed it yet, may inputs ang mga kaibigan ko dito. Ganun sila kagaling mag-advice. At ganun kadami ang ginagambala ko kapag may mga suliranin ako sa lyf.

LOVE U FRIENDS SO #BLESSED TO HAVE U~

Sorry guys hanap kayo ng inyo.

7. Find a creative outlet.

Isulat mo. Ipinta mo. Gumawa ka ng tula at basahin mo sa mga may gustong makarinig, sa may mga kailangang makarinig.

Kahit don sa mga walang pake. Magkakaroon ng pake ‘yan because pain is a universal feeling.

Hanggang sa masabi mo na lang na, sabi nga ni Juan Miguel Severo, magsisimula ako uli sa umpisa. Magsisimula ako uli sa umpisa.

Magsisimula ako uli. Magsisimula ako.

––––

If you ain’t gonna risk it, it ain’t worth it. Pero minsan, there are things we risk for someone just to see if it’s (or s/he’s) worth it. Now kung nasaktan ka tapos hindi worth it, ewan. Sabihin na nating “charge it to experience” para kunyari ikinatalino mo. Pero yung susunod, paano mo masisiguradong hindi ka magkakamali? Hindi natin alam. I guess, you’ll just have to see for yourself.

Hindi rin ito kailangang pilitin. Isang araw magigising ka na lang na, okay ka na. Wala na yung bigat. Wala na yung sakit.

Isang araw magigising ka na lang, mararamdaman mo na, ay tangina, handa ka na ulit.

Advertisements

8 thoughts on “#MOMOL: Move on move on lang”

  1. Hi isabellamari! Si akda ito at nagbabalik with my magic wand of feelings 🙂

    Gusto ko yung sabi sa It’s Okay, That’s Love na koreanovela (maraming quotable quotes sa series na ito hehe)…

    “Love will give pain, blame, hurt, sadness, despair and misery but it will also give the strength to overcome those.”

    Isa pa…

    “When the wind blows, let it come, stay, and leave.
    When a feeling of longing comes, let it come, stay, and leave.
    Pain will come. It will stay and live. It will live then leave.” – this was a poem from a book they were reading

    Syempre malay ko kung yan talaga yung sinabi nila sa korean version, pero yan kasi ang sabi sa subtitle haha! Ibu-bookmark ko itong post mo para in case na magka-heartbreak ako in the future.

    Kamusta rito sa bahay mo? 🙂

    1. Huy, akda! Hi how are you? Namiss kita! 🙂 Walang halong biro o bola–di ako tulad ng iba 😉 CHAROT

      Okay naman ako dito! Ito super busy bihira na ako makapagsulat 😦

      Aww ang ganda nyan! Gusto ko yung “It will live then leave” kasi totoo nga naman lilipas din lahat. The time I first wrote this, I was hurt and talagang it was less funny than it is now… not sure if it’s still funny but after some time, I found humor in my pain so I guess I’m getting better but now I am a-okay! 😀 These are the steps I took and they were effective but it’s a case-to-case basis. Sana maging effective din itong mga ‘to sayo 🙂

      Mwaaaaaaks!

      1. Huhu, daming kong namiss na post mo, saka ikaw haha! Medyo magiging busy ako ulit mag-galugad sa bahay mo. Buti nakita kita sa twitter kahapon hahaha.

  2. Hi Bella, I read your MOMOL article including the rest of your blogs per your dad’s recommendation (siyempre number 1 fan mo siya and super proud of you) haha. Anyways, agree, check. Check.check. I’m probably twice your age pero walang pinipili ang love di ba?

    What I really need help with is your MOMOL tip #4… Pano ba yan? I don’t know how to cry anymore? Pwede ba yun??? Kung yun ang Q&A mo… Ang sagot ay Oo..Yes, correct…. Next Q&A? Bakit??? Okay, may sagot din ako although baka di ka maka-relate cause of age/responsibilities/ experience differentials… “Wala akong time” haha. BS ba? Seriously, Yun talaga sagot ko.
    My mind and heart are so malaligned nabubuang na rin ako and I don’t have time to take a heel, a knee or whatever respite cause ang dami ko kailangan unahin. Gusto ko mag-purge, sumigaw, magbasag ng kung anu-ano– pwede basagin na rin pati pagmumukha ng taong cause ng MOMOL stage ko. Hahaha.

    Anyways, we are all a work in progress and whatever it is that we’re going through— definitely, there’s a greater purpose. Ang sakit sakit lang talaga. Stance ko for now, grin and bear it. Eh, decision ko to love magpatawad ng paulit-ulit sa parehong dahilan… Kasalanan ko na talaga. As the saying goes: ” Fool me once shame on you; Fool me twice SHAME ON ME… I take full responsibility for being a fool for a fool…. Tawag sakin? the greater fool….

    Life is a never ending process of learning. We know that hindi naman ibibigay sa atin ang problema Kung Hindi natin kaya… Sa totoo lang, nasasabi ko when I pray… Na Please po, wag masyadong magtiwala sa kakayanan ko dahil Baka bumigay at matuluyan po ako… Hahaha.

    There. Pano ba umiyak? Nakalimutan ko na.

    1. Hi po!

      Hehehe naku si papa talaga. Binabasa niya pala tong blog ko nakakaloka. Sana po nagpakilala po kayo 😦

      Anyway, alam ko po kung gaano kabigat yung pinagdadaanan niyo po. Nang sobra. Kasi nung nasa medyo unahan palang ako nung sinabi mo na di ka makaiyak ang naisip ko kaagad ay “Hala. Ang bigat bigat nito sa dibdib.” Ako kasi yung tao na labas agad. Haha kahit anong busy ko po yata nauuna ang nararamdaman ko. Nasa tao rin po siguro talaga yun.

      Sa tingin ko po, may triggers po yan eh. Hindi niyo po mapipilit. Pwedeng maiyak kayo kapag nakita niyo yung kanto kung saan ka niya dating inihahatid o sundo. Pwede ring kahit makita mo yung gate niyo sa bahay. Or some random thing like a calculator. Triggers. Recently, sobrang busy ko rin so when I decided to watch I’m Drunk, I Love You. akala ko po hindi ako maaapektuhan. Pero very wrong po ako don.

      Sobrang triggered po ako sa kantang ‘to. At kahit mapakinggan ko siya nang 10000000284822982 times kahit 10 years ago na yung sakit, maiiyak pa rin po ako.

      Maganda po yang busy kayo pero ang hindi po ok ay yung kahit na sobrang abala niyo sa mga responsibilities niyo in lyf, sobrang aware pa rin po kayo sa pain. Isang araw nalang po ay mailalabas niyo yan at yun na po ang first step to getting better 🙂

      All the best po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s