#HugotHuwebes: Where do broken hearts go nga ba, guys?

DISCLAIMERS: Oo, alam kong hindi huwebes today pero ang hugot ay walang pinipiling araw. Bilang may existing segment (WOW???) na ako PLUS hugot comes with huwebes talaga, pagbigyan niyo na ako on the technicality. Second, this is not a movie review. Hindi ako expert. I’m just a girl, feeling feelings.

Hi guys!!! How are you? Ako, okay naman thanks for asking! I watched That Thing Called Tadhana today with my best friends Lei and Carla. Been waiting for it for a while na rin sa wakas it came out before Valentine’s Day. In case you’re wondering, wala akong ka-date sa Feb 14 so please wala na sanang magtanong. Hindi rin ako naghahanap so please wag niyo rin ako i-pressure.

ANYWAY, I don’t really have an outline for this blog post I just really want to make kwento. My friends and I met up sa Sunstar Mall which is like the only mall in Sta. Cruz, Laguna. U GUYS DON’T UNDERSTAND THE HAPPINESS I FELT NA PALABAS NA SIYA DITO cos I don’t have to go to Calamba which is a 2-hour bus drive from here. #probinsyanaprobz

Bago ako mag-emote, some bloopers:

Carla: Pumasok na tayo sa loob!
Lei: Ayoko pumasok baka makita natin yung dulo may twist daw e.
Carla: ANO????? MAY QUIZ?????

——————

Me: Kay Angelica ‘yung laptop!
Carla: Hindi. Kay JM!
Lei: Hindi hindi. ‘Yung laptop kay Derek.

Walang quiz. Wala rin si Derek sa movie.

OK GUYS. In case you still don’t know what That Thing Called Tadhana is, ANONG URI NG BATO ‘YANG PINAGTATAGUAN MO? Tadhana is about Mace (Angelica Panganiban) and her quest on moving on. Swerte siya kasi may kasama siya – a stranger whom she met at the airport named Anthony (JM de Guzman). Si Anthony ay gwapo, nakatira sa Project 8, at hindi manyak.

JM de Guzman as Anthony in That Thing Called Tadhana

Let’s be honest. Kung manyak man siya, I really won’t care. #JustBeinReal

From Italy, to Manila, to Baguio, to Sagada off they went. Anthony carried Mace’s excess baggage – literally and figuratively. Tadhana is dubbed as the “ultimate hugot film of 2015” which is accurate. For a person who loves and breathes hugot, I agree. So kailan pa ako naging subject matter expert????? Wala kayong pake. Hehehe! The film is very relatable cos guys at some point naman we all experienced heartbreak diba? If not, well. Lumabas ka ng bahay and experience life, person!

Papunta palang ako ng mall, alam ko na na iba-blog ko ‘to e. Kung tungkol saan, hindi ko sure. Ang dami na kasing lists ng top 10 hugot lines. Tapos sa totoo lang, pwede kang pumunta sa Facebook page ng Tadhana ang dami don so di ko na ‘yon gagawin. I have observed while watching a film, ‘yung script ang daming rhetorical questions. K fine, baka hindi talaga siya rhetorical questions PERO rhetorical siya for me okay. These questions, we also ask ourselves when we’re going through stuff aka #maypinagdadaanan. So I made a list.

1. Anong nangyari?

Ito na tayo sa what went wrong? Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Classic. You start to rethink everything. Teka lang, rewind nga natin. When’s that precise moment when the end began? Minsan, you miss the signs. Most of the time, you choose to miss the signs. Ayan na e, nasa harap mo na lahat pero wala e. In denial. Tanga e. Mahal mo e.

2. Pag sinabi niya ba sa’yo, may magbabago ba?

Kapag ba sinabi niya sa’yo ang totoo, tatanggapin mo ba? Kapag ba nagsinungaling siya, masisikmura mo ba? Kung sinabi niya sa’yo kung bakit hindi ka na niya mahal, mababawasan ba ang sakit? Makakalimot ka ba ng mas mabilis? Titigilan mo na ba ang pagsisi sa sarili mo?

Ang bottomline is: may magbabago ba? It’s normal to want and need answers when the break up is still fresh. It’s normal to want and need answers when your heart was broken by the person you trusted it with.

GUYS HEAVY NA BA????

3. Bakit hindi mo pinanood ang One More Chance???

Kung binabasa mo ‘to at hindi mo pa pinapanood, ANO PA BANG HINIHINTAY MO. Smh. Kapag napanood mo na, balikan mo ako then tell me if you’re a Popoy or a Basha.

“She had me at my worst. You had me at my best. Pero binalewala mo lang lahat ‘yon.”

4. Paano ba makalimot?

Hay. I may have asked myself this question too many times. And the answer is still, I don’t know.  Nasa sa’yo din e kung gusto mo nang makalimot talaga. Tama si Anthony. Pwede kang magpakalasing gabi-gabi o makipag-sex kung kani-kanino.

It just happens. You’ll just know. You will just feel it. Totoo ‘yung isang araw gigising ka na lang ng parang, gumaan na. Wala na ‘yung bigat sa dibdib mo. Hindi totally wala na ‘yung sakit pero it’s a good kind of pain na lang. Hindi na siya open wound. Sabi nga ni Taylor Swift, it’ll leave you breathless or with a nasty scar.

Harry Potter ang peg.

5. Makakarecover pa kaya ako?

Ang sagot naman dito ay palaging oo. Lilipas din ang sakit. Pero kapag ikaw talaga ang nasaktan, ang hirap maghanap ng silver lining. It’s hard to look past the pain and see that everything will pass. That everything’s going to be okay.

From That Thing Called Tadhana Facebook page

Mahirap. Mabagal. Pero kaya.

6. Where do broken hearts go?

Sa Rome? Sa Baguio? Sa Sagada?

O baka naman sa Tagaytay? Sa Mt. Makiling? Sa LB? Sa Sunstar Mall? O baka naman diyan lang sa kanto niyo? Babalik ba ‘yon sa’yo? May maiiwan ba sa kanya? Maibabalik mo ba ‘yan sa dati?

———————————–

Minsan tinatanong natin sarili natin, mga kaibigan natin, si Lord, or ibinabato na lang sa hangin. Walang tamang sagot pero we ask them anyway. Kung may sagot man minsan, the answers are just to appease us, you know? Ang alam ko lang, kapag ang puso nasaktan, kaya pa rin niyang magmahal. Kahit na nakakatakot. Kahit na nakakapagod. Kahit na masakit.

Wala e. Nagmamahal e.

Mace & Anthony. From That Thing Called Tadhana's Facebook page.
Mace & Anthony. From That Thing Called Tadhana’s Facebook page.
Advertisements

3 thoughts on “#HugotHuwebes: Where do broken hearts go nga ba, guys?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s